Copyright ©2026 Yes FM
Rico Panyero, araw-araw mo nang makikita sa bus!
Rico Panyero, araw-araw mo nang makikita sa bus!
March 4, 2026

KONDUKTOR NA SI RICO PANYERO?!

Makikita niyo na sa Victory Liner buses ang mukha ni Rico Panyero! Hindi siya konduktor, pero siya ang isa sa mga mukha na nilagay sa bus katulad na lang ng iba pang paborito niyong YesPren!

advertisement

Nag-level up na kasi 'yung kaguwapuhan ni Rico Panyero kaya naman hindi lang pang-billboard ang kapogian niya! Kailangan ibabalandra siya sa buong Pilipinas. Ganoong levels! Hahaha!

Abangan niyo rin kalsada ang iba pang mukha ng Yes! FM DJs para kahit ipit kayo sa trapik, SOLID pa rin ang paghihintay dahil masisilayan mo ang artistahin nilang mukha!

Huwag din kayong mahihiya na kuhanan ng picture at i-tag kami, ha! Para lang alam namin kung sino ang i-re-report. Charot! Hahaha!

Panoorin niyo ang behind-the-scenes dito:

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...