Copyright ©2026 Yes FM
Rico Panyero at Yes! FM, wagi sa The Legacy Awards 2025
Rico Panyero at Yes! FM, wagi sa The Legacy Awards 2025
August 17, 2025

Kung napapansin niyong mas matamis ang ngiti ni Rico Panyero, ’wag kayong ma-issue! Hindi siya inlove. Ngiting tagumpay ang tawag d’yan!

Kasi naman, sa katatapos lang na The Legacy Awards 2025, kinilala ang Vovo Master bilang Outstanding FM Radio Host and Event Presenter! Sa 26 years na pamamayagpag ng Yes! FM, 14 years nang nand’yan si Rico Panyero. ’Wag niyo nang bilangin kung ilang taon na siya at baka magkabukingan pa. Hahaha!


advertisement

Hindi rin sayang ang pagba-Barong Tagalog at Filipiniana nina Biboy Bibo at Maria Morena dahil Yes! FM din ang nag-uwi ng Outstanding FM Radio Award! Oh, ’di ba? Dobleng panalo, dobleng saya, dobleng selebrasyon!

Pero higit sa lahat, gusto naming ibalik ang papuri sa inyo, mga YesPren. Ilang beses na namin ’tong nasabi, pero hindi kami magsasawa. Kayo ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon. Kung hindi dahil sa walang sawang suporta at pakikinig niyo, paano ba naman kami makakapasok sa The Legacy Awards 2025, ’di ba? Kaya maraming salamat sa inyo!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...