advertisement
Ayan kasi, Rico Panyero. Mag-shopping ka na para ‘di na sila magtampo sa’yo! 
Rico Panyero, ‘di raw nagreregalo tuwing Pasko?!
Ang sabi namin, laro lang ‘to, pero parang nagkapersonalan na! Hahaha! Sa panibagong Yes! Challenge na pinamagatang ‘The Great Christmas Debate,’ nagwarlahan ang Yes! FM DJs tungkol sa mga tradisyong ginagawa natin tuwing Pasko. Mayro’ng naganap na mainit-init na usapan tungkol sa Hamon at Lechon, Puto Bumbong at Bibingka, at marami pang iba.
Siyempre, ‘di mawawala ang usapang exchange gift at pagreregalo! Bilang magaling magtanim ng sama ng loob ang YesPren DJs niyo, naungkat pa nga ang issue ni Rico Panyero! Biro ni Sexy Megan, “Kaya siguro ‘di tayo nireregaluhan ni Rico Panyero dahil ‘di niya tayo gusto?!” Over naman sa assume! Hahaha!
