Copyright ©2026 Yes FM
RICO PANYERO, HINDI DAPAT MAGIGING RADIO DJ?! Artista siya dapat!
RICO PANYERO, HINDI DAPAT MAGIGING RADIO DJ?! Artista siya dapat!
November 21, 2026

NAGPAUBAYA NA KAY DENNIS TRILLO AT TOM RODRIGUEZ SA PAGIGING ARTISTA AT SA RADYO NA LANG NAGTRABAHO! CHAR!

Imbes na humarap sa camera at magpakitang-gilas sa teleserye o pelikula, mas pinili niyang pasukin ang mundo ng radyo kung saan araw-araw niyang napapasaya at napapatawa ang mga YesPren! WORTH IT NAMAN, ‘DI BA?

advertisement

Pasalamat na lang din at hindi itinuloy ni Rico ang pagiging artista. Baka kung pinasok niya ang showbiz, hindi na natin masyadong napansin ang mga poging artista ngayon! CHAROT LANG! HAHAHA!

Imagine, baka imbes na sina Dennis at Tom ang pinagkakaguluhan, si Rico Panyero na ang laman ng mga poster, magazine at fan edits! AYAN ANG FANTASYYY!!

Pero kung ano man ang landas na pinili ni Rico Panyero, mukhang iyon talaga ang nakalaan para sa kaniya. Dahil may dahilan si Lord kung bakit sa radyo siya napunta at hindi sa harap ng camera.

At ngayon, hindi man siya napapanood sa teleserye, everyday mo naman siyang napapakinggan at nagbibigay-good vibes sa ating mga YesPren!

Dahil hindi naman nasusukat ang pagiging bida sa dami ng fans o exposure sa TV. Minsan, nasa tamang landas ka talaga kung saan mahal mo ang ginagawa mo at marami kang napapasaya!

Kaya saludo kami sa'yo, Rico Panyero! At sa mga pogi ng showbiz, sabihin n'yo, “Salamat, Rico Panyero, at nagpaubaya ka na para sa amin!” CHAR! HAHAHA!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...