Copyright ©2026 Yes FM
Rico Panyero, may inamin pagkatapos komprontahin ni Ganda Wanda?!
Rico Panyero, may inamin pagkatapos komprontahin ni Ganda Wanda?!
September 21, 2025

Sabi nila, hindi lang daw sampu ang utos. May pang-11 pa at ’yan ang “’Wag kang aamin.” Teka, kaninong utos ba ’yan? Hahaha! Mukhang absent si Rico Panyero at konting paninindak lang ni Ganda Wanda, nilaglag niya na ang sarili niya.

Bago ka pa ma-turn off kay Vovo Master, eme lang ’yan! Ginaya lang naman nila ng Singing Diva ang viral video ng mag-asawang sina Meiko Montefalco at Patrick Bernardino. Sa totoong buhay, hindi namin alam kung may kinain ba talagang iba si Rico Panyero at kung ilan. ’Chos!

Nahahalata tuloy kung sinong ‘chronically online.’ Sa sobrang dami ng nag-vi-viral ngayon, naririnig natin sila kahit sa panaginip. Kaya hindi nakapagtataka kung bukambibig na rin natin araw-araw. Ikaw, YesPren, anong linya ang pinakatumatak sa’yo?

advertisement

Tingnan natin kung gaano kakabisado ng mga YesPren DJ ang ilan sa mga pinakasikat na Pinoy memes. Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...