advertisement
Bilang isang SOLID na bida-bida si Rico Panyero, hindi namin ine-expect na huhugot siya ng brief mula sa ref! Nauga ang aming team sa pasabog na ‘to! 🤣 Well, choice naman niya ‘yon kaya ‘di na namin inisip kung mahihiya pa ba siyang i-post namin ‘yung video!

Rico Panyero, naglabas ng BRIEF sa ref!
Sa mga panahong kakaiba ang init sa Pilipinas, may mga kanya-kanya tayong paraan para magpalamig. Ngayon lang kami naka-encounter ng nagpapalamig ng brief para labanan ang init! 🤣
Sa isang video ng Yes! FM Manila, may ginaya silang trending challenge ngayon na kukuha raw ng something random sa kanilang ref. Eh, ‘di siyempre, kanya-kanyang pakulo ang mga loko! Si Lyka Barista, kumuha ng fire extinguisher, emergency light naman si Biboy Bibo, si Sexy Megan humugot ng panis na ulam, at may pa-wig si Ganda Wanda!
