Copyright ©2026 Yes FM
Rico Panyero, pinabayaan ng mga Yes! FM DJ sa Pinoy Squid Game?!
Rico Panyero, pinabayaan ng mga Yes! FM DJ sa Pinoy Squid Game?!
Rico Panyero, pinabayaan ng mga Yes! FM DJ sa Pinoy Squid Game?!
January 27, 2025

Kami lang ba o nakakabitin talaga ang Season 2 ng Squid Game na inilabas noong nakaraang buwan? ’Yung pakiramdam na ang tagal nating hinintay tapos bibitinin tayo nang gano’n na lang? Maiksi na kung maiksi ang pasensya. Hahaha!

Talaga nga namang pinag-usapan ang South Korean thriller series na ’to, pero kahit gaano pa man makapigil-hininga ang mga eksena riyan ay mahahanapan at mahahanapan pa rin natin ng kalokohan! Tulad na lang ng mga reimagined Squid Game (Pinoy Version) sa TikTok kung saan ang challenge daw ay bawal mag-ulit ng mga salita, magbukas ng parcel nang hindi gumagamit ng gunting, gumawa ng GC nang walang lalaitin, at marami pang iba.

advertisement


Kaya naman, nakaisip kami ng paraan kung paano pag-ti-trip-an ang paborito niyong mga YesPren. Isinalang namin sila sa Squid Game kung saan tatak Pinoy ang mga kailangan nilang pagdaanan. Ang masaya rito, nakaharap nila ang mga palaban ding DJ mula sa Love Radio Manila at Easy Rock Manila!

Kani-kaniyang diskarte para malagpasan ang tatlong round, pero paano kung sa una pa lang ay may nasubukan ng pagkakaibigan? Manalo pa kaya sina Rico Panyero, Sexy Megan, Maria Morena, Lyka Barista, Ganda Wanda, at Biboy Bibo? Panoorin na ang full video nang magkaalaman!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...