advertisement
Para sa kanyang fanbase na Robbers, 'wag kayong mag-alala! Mas exciting ang susunod na mga ilalabas niya dahil mas personal at ramdam ang tatak-Rob Deniel. Sa ngayon, naka-focus siya sa pag-promote ng kanyang album na Wonder Boy para iwas burn-out na rin at masiguradong quality ang bawat track na ilalabas niya.
Kilalanin pa si Rob Deniel sa kanyang FULL EPISODE sa HANGOVER dito:

Rob Deniel, hihinto muna sa pag-cover ng kanta matapos sumikat ang 'Nandito Ako'?!
Matapos mag-viral ang kanyang swabe at relapse version ng OPM classic na 'Nandito Ako,' mukhang magpapahinga muna si Rob Deniel sa paggawa ng cover songs. Sa kanyang interview sa Hangover, inamin ng "Wonder Boy" singer na plano niyang ibuhos ang lahat ng atensyon niya sa paggawa at pag-promote ng sarili niyang mga kanta.
Bagama’t malaki ang naitulong ng kanyang covers para mas makilala siya ng masang Pilipino, naniniwala si Rob na oras na para bumalik sa kanyang roots bilang isang songwriter. Sabi nga niya, "Songwriter talaga ako ever since," kaya hindi raw talaga siya hihinto sa paggawa ng bago. Marami na rin daw siyang nakatagong mga kanta na isinulat niya base sa Rom-Com movies at heartbreak stories ng kanyang mga tropa.
