advertisement
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Rosmar na matagal na siyang nagbibigay ng cellphone bilang pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya. Dagdag pa niya, mas pipiliin niyang hindi latest na model ang ipamigay para mas marami ang magkaroon ng pagkakataong mabigyan.
Dahil sa timing ng kanyang post, hindi napigilan ng mga netizens na ikumpara ito sa kamakailang viral na cellphone giveaway ni Ivana Alawi. Napansin din ng ilan ang tila may patama si Rosmar, na siya mismo ang mamimigay ng premyo at wala itong kaakibat na collaboration. Marami ang napaisip kung pinatatamaan niya ba si Ivana at tila nakikisabay rin siya sa cellphone giveaway buzz na pinag-uusapan ngayon sa social media.
Hindi rin nagpahuli ang netizens sa pagbibigay ng kani-kanilang opinyon. May mga agad nag-comment ng “Baka dito may pag asa Rosemarie Tan Pamulaklakin Ikaw na po bahala mag decide ano kulay Ibibigay mo. Waiting lang me.”, para subukang mapili sa giveaway, habang ang iba naman ay nagsabing matagal nang kilala si Rosmar sa pagiging mapagbigay sa kanyang followers. Pero may ilan ding nagsabing baka isa rin itong paraan para makisabay sa “clout o hype” na nakukuha ngayon ng cellphone giveaway ni Ivana Alawi.
Hanggang ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Ivana Alawi tungkol sa mga paghahambing ng netizens. Pero isang bagay ang malinaw, kapag usapang cellphone giveaway, siguradong mabilis itong magiging viral at sentro ng chikahan online!
Ikaw, ano sa tingin mo? Coincidence lang ba ang timing, o talagang nakikisabay si Rosmar sa cellphone giveaway hype?
Rosmar Tan, nakikipagpaligsahan nga ba kay Ivana Alawi sa cellphone giveaway?
May bagong ganap na naman si social media personality at entrepreneur na si Rosmar Tan!
Usap-usapan siya ngayon matapos niyang ianunsyo na mamimigay ulit siya ng mga cellphone sa kanyang supporters.
