Copyright ©2026 Yes FM
Ruru Madrid, umaming may proyektong hindi niya kayang tanggapin dahil sa pagiging INC
Ruru Madrid, umaming may proyektong hindi niya kayang tanggapin dahil sa pagiging INC
August 6, 2026

Hindi lahat ng malaking offer ay agad "YES" kay Ruru Madrid!

Sa isang interview, ibinahagi ng Kapuso Action Hero na may ilang endorsements at proyekto siyang tinanggihan dahil sa kanyang pananampalataya bilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC).

advertisement

Ayon kay Ruru, challenge talaga minsan ang pagsabayin ang pagiging artista at ang pagiging tapat sa kanyang relihiyon. Bilang isang public figure, alam niyang maraming tao ang umiidolo at sumusubaybay sa kanya, kabilang na ang mga kapwa niya miyembro ng INC.

Kaya bago siya tumanggap ng proyekto, sinisigurado muna niyang malinaw ang usapan sa production team at mga direktor tungkol sa mga bagay na maaaring makaapekto sa kanyang paniniwala.

Isa sa mga hindi niya talaga maaaring gawin? Ang pag-eendorso ng alak at sugal.

Aminado si Ruru na may mga pagkakataong magaganda ang offer, pero mas pinipili pa rin niyang sundin ang kanyang relihiyon kaysa tanggapin ang mga ito.

Pero para kay Ruru, hindi naman ito problema o hadlang sa kanyang career.

Sabi ng aktor, parte lang ito ng mga paniniwalang sinusunod niya. Kaya kahit may mga pagkakataong maganda ang alok, mas pinipili pa rin niyang gawin kung ano ang tingin niyang tama para sa kanya.

Marami tuloy ang napa-react sa kanyang rebelasyon, lalo na't usapang malalaking endorsement deals ang pinag-uusapan. Pero para kay Ruru, mas okay nang may hindi tanggapin kaysa gumawa ng bagay na labag sa kanyang paniniwala.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...