ANG CLOSURE NI RYAN AT YENG AY PARA RIN SA ATING LAHAT! HAHAHA
Sa naganap na concert ni Yeng Constantino noong November 18, hindi na si Enchong Dee ang kasama ni Yeng sa kantang “Chinito,” kundi si Ryan Bang na! Ang sabi ng karamihan, ito ang pinaka-highlight ng gabi nila, ang mabigyan ng closure ang dalawa! HUHUHU
Ayon kay Ryan, nagpaalam muna siya sa asawa ni Yeng na si Yan bago umakyat ng stage para magkaroon ng closure sa kanilang nakaraan. Siya si Ryan Bang, nagpapaalam siya sa asawa ng ex niya bago siya makipag-closure! TULARAN NATIN SIYA! HAHAHA
Binalikan din ni Ryan ang mga oras na madalas silang kumain ni Yeng pagkatapos ng church. Sampung beses daw siyang nilibre ng singer! Bilang na bilang, ’di ba?! HAHAHA. Kaya naisipan niyang bumawi at gamitin ang kaniyang P3,000 na sahod para naman siya ang manlibre.
Kaso nga lang, hindi naging smooth ang plano ni Ryan dahil biglang dumating ang mga kamag-anak ni Yeng mula Binangonan! Kaya imbes na mag-enjoy at mapasarap ang kain ni Ryan, napabilang daw siya sa presyo ng mga inorder dahil sakto lang ang budget niya! Grabe naman talaga tumiming ang tadhana! HAHAHA
Ayun daw ang naging dahilan kung bakit niya “sineenzone” na lang si Yeng! O, ayan na ha! Case closed! Hindi naman pala basta-basta iniwan sa ere, may financial reason naman pala! Minsan talaga, kahit ready na tayong magmahal, hindi pa ready ang bulsa natin. HAHAHA. Hindi naman kasi puwedeng puro pagmamahal lang, ’di ba?!
Sana nabigyan na rin ang lahat ng katahimikan! At least si Ryan at Yeng, may closure na! Ikaw, YesPren, may ex pa ba kayong gustong hingan ng closure o sapat na ang closure na block at delete? CHAR!

