Kitang-kita pa nga raw ang sakit sa mata ng actor na si Sam Milby matapos siyang maging emosyonal sa isang episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" nitong March 3. Ibinato kasi sa kaniya ng King of Talk ang matagal ng tanong ng mga Marites, paano hinarap ni Sam ang breakup nila ng Miss Universe 2018?
advertisement

"It’s been rough. No breakup is easy. It’s really been rough. It wasn’t only mag-boyfriend-girlfriend kami, we were engaged. And to have that not pushed through, it’s been really rough, honestly.”'Yan ang sagot ng hunk actor bago tuluyang bumigay. Ilang sandali siyang tumahimik habang patuloy na lumuluha.
Hindi naman tinantanan ni Boy ang pagtatanong at inungkat ang naging pag-iyak ni Catriona Gray sa concert ni TJ Monterde. Inamin ng actor na hindi siya naging komportable sa mga oras na ‘yon at sinabing hindi niya alam ang gagawin dahil “A woman that I still love and care about is, I see a few seats away from me, is crying."
Paglilinaw niya, hindi madali ang kaniyang pinagdaanan sa paghihiwalay na ito kung 'yon man daw ang iniisip ng ibang tao. Malaki raw ang respeto niya kay Catriona at gusto niyang igalang ang privacy nito.
Sa kabila ng mga ito, pangarap pa rin daw ni Sam Milby na magkaanak kahit na siya ay 40 years old na. Kung kanino? Aba malay din namin, YesPren!

