advertisement
Pero ang mas napansin ng netizens ay ang behind-the-scenes video, na nakita rin si Mommy Divine Geronimo. May yakap at kiss sa cheek pa ang mag-ina, kaya marami ang napa-"Ito na ba ang reunion na hinihintay ng lahat?"
Ayon kay Sarah, regalo niya ang collaboration na ito para sa kanyang sarili, sa kanyang ama, at para ipagdiwang ang pagmamahal nila sa musika.
Habang nire-record ang kanta, hindi napigilan ni Daddy Delfin ang maging emosyonal. Sabi niya na si Sarah ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para muling kumanta.
Ibinahagi rin ni Sarah na matagal na niyang pangarap na maka-duet ang kanyang ama. Mas naging espesyal pa ang moment dahil nakasama rin niya ang kanyang ina.
Matatandaang naging usap-usapan noon ang naging relasyon ni Sarah sa kanyang mga magulang matapos ang kasal nila ni Matteo Guidicelli noong 2020. Noong 2024, ibinahagi rin ni Sarah na muli na silang nag-uusap ng kanyang ina.
Dahil sa video na ito, maraming fans ang umaasang tuloy-tuloy na ang magandang samahan ng kanilang pamilya.
Ikaw, YesPren, ano'ng na-feel mo nang makita mong magkasama ulit sina Sarah, Mommy Divine, at Daddy Delfin?
Sarah Geronimo, nakasama muli sina Mommy Divine at Daddy Delfin!
Mukhang ito na ang birthday gift na hindi lang si Sarah Geronimo ang na-touch, pati ang fans!
Sa pagdiriwang ng kanyang ika-38 na birthday, naglabas si Sarah ng isang espesyal na duet kasama si Daddy Delfin Geronimo.
