Copyright ©2026 Yes FM
SB19, BGYO, at Cup of Joe mag-pe-perform sa Japan
SB19, BGYO, at Cup of Joe mag-pe-perform sa Japan
February 20, 2026

Handa na bang sakupin ng Pinoy talent ang Land of the Rising Sun? Kinumpirma na ang paglahok ng SB19, BGYO, at Cup of Joe sa gaganaping Dunk Showcase sa Japan ngayong 2026. Talagang hindi nagpapahuli ang ating mga lokal na artist pagdating sa world stage!

Ang event na ito ay isang bonggang collaboration kung saan magsasama-sama ang iba’t ibang Asian acts para ipakita ang kanilang husay sa pagkanta at pagsayaw! Para sa SB19 at BGYO, pagkakataon na naman ito para patunayan ang galing ng P-Pop idols, habang ang Cup of Joe naman ay nakahandang dalhin ang kanilang swabe at indie-pop vibes sa Japanese fans.

advertisement

Sign talaga 'to na lumalakas na ang impluwensya ng musikang Pilipino sa ibang bansa. Kaya naman, asahan ang matinding energy at world-class performance mula sa ating pambatong grupo! SOLID na suporta ang kailangan nila kaya naman P-POP RISE!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...