Copyright ©2026 Yes FM
SB19 Felip, may bagong album at concert date na!
SB19 Felip, may bagong album at concert date na!
July 10, 2024

Last July 5, 2024, nag-release na ang SB19 member na si Felip ng kanyang newest solo album na “7Sins.” Iba ka talaga, Felip!

View this post on Instagram

A post shared by Ken Suson (@felipsuperior)



Ayon sa singer-songwriter, hindi raw ito religion-centric, kun’di isa itong journey ng pagkilala sa shortcomings nating mga utaw. Ay, mukhang perfect na perfect ‘tong album na ‘to para sa mga taong feeling perfect! HAHAHA!

Dagdag ni Felip, umabot daw ito ng 7 months para mabuo. Nakasabay niya rin sa pag-compose nito si Luke April ng PLAYERTWO at Isagani Palabyab kung saan nagkaroon din sila ng late night sessions! Taray ng late night sessions?!

Muling naka-collab ni Felip ang kanyang fellow Warner Music Philippines artists na si PLAYERTWO sa kantang “Gluttony.” Matatandaan din na magkasama na sila dati sa kantang “FLYYY” at “Pagdali.” More songs please!

Mula sa collaborations na ito, na--feature din dito ang idol ni Felip na si Belgian-Filipino Cyra Gwynth na sumulat ng “Greed” at tumulong din sa pagsusulat ng kantang “Lust”.

Daming ganap, grabe! Alam mo ‘yung kahit busy at tight ang schedule ng SB19, pinu-push pa rin ni Felip na maging hands-on sa pagsusulat, pagbuo at pag-produce ng mga kantang for sure, ma-e-enjoy nating lahat. Ang tanong, Felip, hindi ka ba napapagod?! HAHAHAHA!

Ang 7Sins ay may 9 tracks kasama ang title/focus track na “Envy”. Ito ay genre-bending na ipinakita ang iba’t
ibang sides and stories ni Felip.

advertisement


Ito ang album tracklist:

Foes
Envy
Wrath
Greed
Pride
Gluttony (feat. PLAYERTWO)
Lust (feat. Cyra Gwynth)
Sloth
Ache

Ang pag-release ng 7Sins album ay gaganapin sa “7Sins The Album Concert” sa darating na July 27, 2024 sa Space at OneAyala. Grabe ang love and support ng A’TIN! In just two minutes, sold-out na agad ang tickets!!!

Kaya mga YesPren, i-stream niyo na ang 7Sins on Spotify at sa iba pang streaming platforms! Available na rin ito sa Youtube channel ni Felip!


Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...