advertisement
Ito ang mga pangmalakasang line-up na kailangan niyong abangan:
Day 1: SB19, IV OF SPADES, Sarah Geronimo, Ben&Ben, December Avenue, at Armi Millare.
Day 2: Back to back kasama ang SB19 at IV OF SPADES ulit! Makakasama naman nila ang Sexbomb Girls, Parokya ni Edgar, at Kitchie Nadal!
Sobrang SOLID ng mga mag-pe-perform! Trentahin ka man o laking iPad, kering-keri mo na mag-enjoy sa natatanging local touring festival sa bansa! Takbo na sa SM Tickets o bumili na rito para makakuha online! 
SB19, IV of Spades, Sarah Geronimo, SexBomb girls, magsasama-sama sa Aurora Music Festival
Handa na ba ang mga OOTD niyo? Dahil siguradong yayanigin ang Clark Global City sa darating na May 2-3, 2026 para sa 5th anniversary ng Aurora Music Festival! Ito na ang pinakamalaki at pinakabonggang lineup sa kasaysayan ng festival, kaya OPM lovers, over na naman kayo sa happiness niyan!
Para sa kanilang milestone year, may dobleng headliners tayo sa parehong araw, ang P-Pop Kings na SB19 at ang IV OF SPADES! Matapos ang kanilang sold-out MOA Arena comeback noong 2025, magbibigay na naman sila ng malupit na performances!
