Copyright ©2026 Yes FM
Secondhand Serenade, babalik sa ‘Pinas para sa 20th anniversary concert
Secondhand Serenade, babalik sa ‘Pinas para sa 20th anniversary concert
September 3, 2025

Sa mga ‘di pa nakaka-move on sa concert ng Secondhand Serenade nitong nakaraang May, may chance na ulit kayong mapanood sila! Sa isang Facebook post, in-announce ng banda na gaganapin ang ‘A Secondhand Symphony’ tour nila sa Davao at Manila ngayong December 2025. Gaganapin ang Manila leg sa December 14, 2025 sa New Frontier Theater, Quezon City. Ang Davao leg naman ay gaganapin sa December 11, 2025 sa SMX Convention Center Davao.

advertisement

Matatandaan na huling pumunta ang Secondhand Serenade sa bansa noong May 9 at 10, 2025 para sa Playback Music Festival: Punk, Rock, & Emo, kung saan tumugtog sila sa Manila at Cebu.

Kung bet mong makasama sa solid concert na ito, ihanda mo na ang wallet mo! Ito ang ticket prices para sa Manila concert:

VIP - Php 5,390
GOLD - Php 4,200
LOGE - Php 3,950
BALCONY A - Php 2,800
BALCONY B - Php 1,950

‘Takits tayo, mga YesPren!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...