advertisement
Bida sa concert ang 360-degree stage setup, kaya kahit saang section ka mapunta, solid pa rin ang view! Maraming fans ang natuwa sa balitang ito, kaya naman mahigit 31,560 katao ang sumubok na makakuha ng tickets. Sa ngayon, SVIP floor standing tier na lang ang may natitirang ticket. Halatang mga tita at tito na ang manonood kasi ayaw niyo na ng nakatayo! Chareng! Nagpasalamat ang Sexbomb Girls sa patuloy na suporta sa kanila ng fans. Sabi ni Sunshine Garcia, “Kinailangan naming sumugal para malaman namin ang sagot, at hindi niyo kami binigo. Parang gusto niyong sabihin na umpisahan na namin at kayo na ang bahala sa amin. Sinuportahan niyo kami mula noon, hanggang ngayon.”

