Copyright ©2026 Yes FM
Sexbomb Girls, balik-entablado para sa reunion concert sa Araneta Coliseum
Sexbomb Girls, balik-entablado para sa reunion concert sa Araneta Coliseum
September 16, 2025

Get, get, AW! Ready na ba kayo sa comeback ng taon, mga YesPren? Magsasama-sama muli ang Sexbomb Girls para sa one-night concert sa December 4, 2025 sa Araneta Coliseum, Quezon City!

advertisement

Sabi ni Rochelle Pangilinan sa comeback teaser post ng grupo, “Para [‘to] sa mga pinalaki ng SexBomb!” Dagsa ang suporta sa comment section ng post, at biro pa ng isang fan, “Sa mga bagets, please, paunahin niyo na kaming mga [Tito] at [Tita] niyong trentahin sa tickets, ah? Awa na lang!”

Maraming Pinoy ang lumaki sa iconic hits ng Sexbomb Girls tulad ng ‘The Spageti Song,’ ‘Di Ko Na Mapipigilan,’ ‘Pretty Little Baby,’ at ‘Bakit Papa?’ Lalo pa silang sumikat no’ng nakasama sila sa TV shows tulad ng Eat Bulaga! at Daisy Siete.

Bagama't wala pang kumpletong detalye tungkol sa concert, siguradong ubusan na ng tickets ‘to, mga YesPren!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...