Mas may potential pa raw maging kriminal si Sexy Megan kaysa maging lawyer?!
'Yan ang isa sa latest posts ni Sexy Megan sa kanyang Facebook page! Nag-post siya ng isang reel kung saan makikitang kumakain siya ng tinapay at nakalagay sa video: "'Yung gusto mo mag-aral ng law, pero mas may potential ka maging kriminal."
Kung gagawa man ng krimen si Sexy Megan, 'yun ang magnakaw—nakawin ang puso mo! ANSAVEH?! May mga supportive namang mga YesPren sa comment section at talagang hinihikayat siyang mag-aral ng law! Sagot naman niya ay content lang naman daw 'yun at sa iksi ng kanyang pasensya, hindi niya raw kakayaning mag-law talaga!
Ebidensya nga naman ang lahat ng episodes ng Megan Rants! Baka umiyak na lang lahat ng kalaban niya sa korte. Hahaha!

