advertisement
Kilala kasi si Sexy Megan na mahilig mag-scuba diving at free diving bilang mermaid kasi siya sa past life niya. Chariz! Nag-post nga ang ating resident ranterist sa kanyang Facebook page ng dalawang video kung saan pinapakita niya ang kanyang beach outfit at 'yung isa naman ay pang-scuba diving.

Sexy Megan, ipinakita ang paborito niyang swimsuit!
HINDI SIYA SEXY MEGAN PARA SA WALA!
Kahit kasi two-piece pa yan, bikini, o ang pinakamahal at pinaka-favorite niyang diving gear, nakaka-SEXY pa rin talaga 'pag si Sexy Megan na ang nagsuot! She can do both daw. GANERN!
Kinagiliwan naman ng netizens ang posts na ito ni Sexy Megan dahil kahit ano nga naman diyan ang piliin niya ay kabogera ng taon pa rin ang DJ niyo! Basta ay makaka-relax siya sa dalampasigan o kaya naman sa ocean floor, mahal na mahal niya ang dagat!
