advertisement
Aminin mo, YesPren, may ganitong symptoms ka rin kapag paubos na ang pera! Biglang sumasakit o umiinit ang ulo, nanghihina, tinatamad bumangon… Dahil hindi mo mabili ang cravings mo!
Pero hindi lahat pare-pareho ng nararamdaman kapag nauubos na ang pera. ‘Yung iba parang magkakasakit, at ‘yung iba bigla na lang napapa-diet, nag-O-OMAD! HAHAHA! Hindi dahil healthy living, kun'di dahil wala nang pambili ng pagkain! AY GRABE KA, YESPREN!
Tapos kapag may nagyayang kumain sa labas, ang reply mo, “Wala, tulog, umalis!” HAHAHA! Biglang busy, biglang may gagawin, biglang hindi available! Eh ang totoo, walang budget!
Pero ‘wag kang mag-alala, YesPren! Konting tiis na lang dahil malapit na ang katapusan! Ibig sabihin, malapit na rin ang sahod! Kaya kapit lang sa wallet, pigilan muna ang cravings at magpanggap na busog!
Ikaw, YesPren, ano ang pinakaunang sintomas mo kapag wala nang pera?
Sexy Megan, may iniindang sakit?!
Kamakailan lang nagbakasyon, ngayon may sakit na?! AYAN HA! Charot!
Sa isang video post niya, may mensaheng “’Yung para ka nang lalagnatin kasi wala ka nang pera.” AAAAAH! Ayun naman pala! Hindi pala ordinaryong sakit ang tinutukoy, sakit sa bulsa! HAHAHA!
