Copyright ©2026 Yes FM
 Sexy Megan, may kakaibang lunas sa pagod!
 Sexy Megan, may kakaibang lunas sa pagod!
October 24, 2026

Ano kaya ang kakaibang lunas sa pagod?! ESMIRINGHOY?! MALII! HAHAHA!

Sa isang video, may realization si DJ Sexy Megan! Sabi niya, “Habang nagkakaedad tayo, unti-unti kong nare-realize na ang lunas pala sa pagod ay hindi pera kundi pera!” GANON?! HAHAHA! Akala namin pahinga ang kailangan, pera pala ang katapat! HAHAHA!

advertisement

Well, marami ang nakarelate sa kanyang realization, dahil sa comment section, may mga netizen na nagbigay rin ng kanilang reaksyon. Sabi ng isa, “Alipin ng salapi ang DJ HAHAHAHA!” Samantalang ang isa naman, “Very true! Samahan mo pa ng liniment at langis-langis.” Ayan ang trentahin combo package! EME!

Pero teka, hindi lang pala pera ang sagot ng iba! May nagkomento rin na ang lunas daw sa pagod ay road trip at nature trip. AYUUUN! Iba-iba rin talaga ang trip ng bawat tao! Ang iba, kailangan lang ng pahinga, ang iba naman, konting gala para makapag-recharge. At siyempre, may mga taong isang tingin lang sa taong mahal nila, tanggal ang pagod! YIEE!!

Pero aminin, YesPren, iba rin talaga kapag may perang pinaghirapan ka. Kahit pagod sa trabaho, kapag dumating na ang sahod, parang biglang gumagaan ang pakiramdam! Kaso, kapag bayaran na ng bills, ayun na naman, balik pagod ulit! HAHAHA! IKOT-IKOT LANG ANG BUHAY!

Kaya ikaw, YesPren, ano ang kakaibang lunas sa pagod mo? Pera, pahinga, road trip, o baka naman esmiringhoy talaga?! CHAROT!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...