Napaisip ang ilang netizens matapos magbahagi ng isang post si Sexy Megan sa kanyang Facebook account. Dahil sa kanyang mensahe, may ilan agad na nagtanong kung may espesyal ba siyang hinihiling sa Panginoon. Baby na nga ba ito?
Sa kanyang post, ang kanyang dasal ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng anak, kundi ang mabigyan pa siya ng mas maraming pasensya kaysa sa lakas. Ayon sa kanya: "Lord bigyan nyo po ako ng patience, wag na po strength kasi baka may mabira ako."
Dahil sa nakakatawang post na ito, marami ang nag-comment at naka-relate sa kanyang biro.
Pero malinaw naman na ang mensahe ni Megan ay para lamang maghatid ng good vibes at katatawanan sa kanyang followers. At kung tungkol naman sa mga "baby" niya, mayroon na siyang mga furbaby, na itinuturing niyang parang anak.
Imbes na baby announcement, mukhang extra patience ang nasa wishlist ni Sexy Megan sa ngayon!
Ikaw, YesPren, mas kailangan mo rin ba ng dagdag na pasensya o dagdag na lakas? 😆

