Nagpaplano ka bang bumili ng bagong cellphone? Bago ka pumili kung anong model ng bagong release na cellphone ang bibilhin mo, may isang importanteng bagay munang gustong ipaalala ni Sexy Megan!
Sabi nga niya sa
kanyang Facebook post, “Bago pumili ng iPhone na bibilhin, bayaran mo kaya muna yung utang mo sa’kin?”
Sino ba kasi ‘yang may utang kay Sexy Megan? Pakibayaran na po para hindi po natatamaan ang nagbabasa ngayon?! AY MALI! HAHAHA. Ilag po ang mga taong mahilig mag-unbox ng bagong gadget pero may utang pang hindi ma-unbox!
Gets naman natin ang excitement kapag may bagong cellphone. Pag may bagong release, biglang napapaisip ka kung kailangan mo ba talaga ng upgrade.

Pero bago pindutin ang “Buy Now,” baka may mas importanteng notification na kailangan mong buksan, yung message ng taong ilang buwan mo nang hindi sinasagot dahil naniningil!
Kaya mga YesPren, reminder ni Sexy Megan: hindi masamang mangarap ng bagong iPhone, pero baka mas magandang unahin muna ang lumang utang!
Ikaw ba ang pinatatamaan ni Sexy Megan? O kahit hindi ikaw ang pinatatamaan, tinamaan ka pa rin?