advertisement
Sa social media, madalas nang gawing katatawanan ang usapang utang at bills dahil halos lahat ay dumadaan sa parehong sitwasyon. Kaya naman mabilis na humakot ng reaksyon ang video ni Sexy Megan dahil bukod sa nakakatawa, parang may kaunting reality check din para sa marami.
Pero chill lang, YesPren! Ang naturang video ay ginawa lang talaga para magbigay ng good vibes at magpatawa sa mga netizens. At kung may mapupulot mang aral, baka simpleng paalala lang din ito na kapag kaya nang magbayad ng utang, mas okay na huwag nang hintaying singilin pa o mag laro pa ng tagu-taguan!
Sexy Megan, nagparinig sa mga mahilig mangutang, pero ayaw magbayad!
Mukhang maraming netizens ang tinamaan sa latest Facebook video ni Sexy Megan! Sa kanyang post na may message na, "Alam mo bang pwedeng magbayad ng utang kahit hindi sinisingil?", agad itong naging usap-usapan dahil sa relatable nitong mensahe.
Hindi naman nagpahuli ang mga netizens sa comment section. May nagbiro pa ng, "Sa katapusan naman talaga magbabayad eh... sa katapusan ng mundo!" habang ang iba naman ay napaamin na, "Paldo sa utang." Siyempre, hindi rin nawala ang mga laughing reactions dahil parang maraming naka-relate dito!
