advertisement
Halu-halong reaksyon naman ang mga netizens dito, at may ilang nag-comment: “Ako walang galang, e pano ‘yon”, “Mali Megan, yung Bff mo pumatol sa may anak at asawa haha ang cheap ng bff mo”, “HAHAHA eh ang katwiran ng mga mas bata eh baka nayayabangan sayo lalo kapag nagbibiro. Kaya siguro nawawalan ng galang nila sayo tapos pag palagi pang nakatawa.”
Iba-iba man ang pananaw at interpretasyon ng ating mga YesPren sa video na ito, isa lang ang lesson na gustong i-share ni Sexy Megan for today, at ‘yun ay matutong lumugar at rumespeto!
Kaya mga kids, iwasan natin ang pagsagot o pagsigaw sa mga nakatatanda ah! Laging nating dadaanin sa mahinahong usapan. Oki?
Sa mga matatanda naman diyan, ‘wag nang pumatol sa mga children of all ages! Nako naman, sabi nga nila, “Matanda ka na, mas alam mo na ang tama at mali!” Gabayan na lang natin sila dahil for sure, dumaan ka rin sa panahon na ‘yan, YesPren! Sabi nga nila, “Respect begets respect.”
Kaya YesPren, tandaan na ang mga mahilig pumapatol ay nagiging patola at ang mga rumerespeto naman ay nirerespeto ng madla!
Sexy Megan, pumapatol sa mas bata sa kanya?
May pinaparinggan ba itong si Sexy Megan o nagsheshare lang siya ng napapanahong advice? ‘Di natin sure!!
Ayon kasi sa kanyang Facebook video, “Pumapatol ka ba sa mas bata sa’yo? Me: Oo, lalo na kapag walang galang!” May pahabol pa itong, “Pano ba pinalaki? Bat walang galang?! 😐” May point ka naman diyan, mars!
