advertisement
Kitang-kita sa comments section ‘yung mga trentahin nating YesPren na aminadong wala nang oras para sa matagalang lambingan! ‘Di nakailag ‘yern? Bata na lang daw ang nag-ta-tantrums sa panahon ngayon. Nakakahiya naman kasi kung ang tanda mo na tapos pa-tweetums ka pa!
Give niyo na sa’min ‘tong pagsusungit na ‘to dahil marunong pa rin naman kaming manuyo. ‘Wag niyo na lang masyadong patagalin kasi may deadline na. Hahaha! Life is short, at kung gusto mo pang pahabain ‘to, ‘wag niyo na kami galitin!
Sexy Megan, umikli na raw ang pasensiya dahil trentahin na
Ang sweet ng kanta, pero ‘yung caption, sobrang maldita! Hahaha! Nag-trending si Sexy Megan dahil sa lipsync video niya sa kantang ‘Man I Need’ ni Olivia Dean. Nakakakilig ang lyrics nito, pero bilang trentahing ‘di na nadadaan sa pagpapakilig, ‘di niya napigilang magsungit. Sabi niya sa caption, “Nanunuyo [rin] kaming mga trentahin, pero may expiration–30 mins! ‘Pag ayaw pa rin, kami na ‘yung galit.”
