Copyright ©2026 Yes FM
SHANNi, nakiki-ride nga lang ba sa kasikatan ng kapatid na si Blaster Silonga?!
SHANNi, nakiki-ride nga lang ba sa kasikatan ng kapatid na si Blaster Silonga?!
January 24, 2026

Sa latest episode ng HANGOVER, hindi inatrasan ng up-and-coming artist na si SHANNi ang isa sa pinakamatagal nang tanong sa kanya: Nakatira ba siya sa anino ng kuya niyang si Blaster Silonga mula sa sikat na OPM band na IV of Spades? Diretsahan niyang sinagot ang isyung ito!

Ayon kay SHANNi, sanay na siyang makarinig nng ganitong klaseng usapan, pero malinaw niyang ipinaliwanag na may sarili siyang craft at personalidad. Bagama’t galing sa pamilya ng mga musikero, binigyang-diin niya na ang musika niya ay repleksyon ng kanyang sariling emosyon at pagiging totoo. Hindi niya kailangang makipagkompetensya o sumakay sa kasikatan ng iba dahil iba ang kuwentong dala niya.

advertisement

Baka strong, independent girl 'yarn?! Imbes na anino, mas tamang sabihing dagdag siya sa makulay na legacy ng kanilang pamilya habang bumubuo ng sariling pangalan niya sa OPM.

Panoorin ang buong HANGOVER interview rito:

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...