advertisement
Nagsimula raw ang pag-eeksperimento niya sa ipinagbabawal na gamot dahil sa peer pressure. Pero, para raw sa kaniyang partner, anak, at pamilya, nagdesisyon siyang magbagong-buhay at pumasok sa rehab.
“Sabik na 'kong gawin 'yung halikan ka pagkagaling ng rehab. Hindi sapat sa akin na ika’y yakapin lang. 'Yung tamang panahon ay darating din basta kapit lang,” isa lamang ang verse na ito sa pangdiinang lyrics ng rapper sa kaniyang kanta.
Bilib kami sa katapangan mong ikwento ang naging journey mo, Shanti Dope! Sana lahat ay piliin na ang landas na tinahak mo! 
Shanti Dope, ipinarinig ang kaniyang bagong single na 'Rehab'
Tunay na buhay naman ni Shanti Dope ang kaniyang ginawan ng sariling kanta, mga YesPren! Noong August 29, inilabas na ng Filipino rapper ang kaniyang bagong single na 'Rehab.'
Binigyang tono raw nito ang kaniyang laban kontra adiksyon, kung paano siya naka-recover dito, at paanong naging lakas niya ang pagmamahal. Yiiee!
