Copyright ©2026 Yes FM
 Silent Sanctuary, magpapasiklab sa Japan at Singapore; ilalabas na rin ang bagong kantang “UNA”
Silent Sanctuary, magpapasiklab sa Japan at Singapore; ilalabas na rin ang bagong kantang “UNA”
February 23, 2026

Tuloy-tuloy ang arangkada ng OPM rockestra icons na Silent Sanctuary dahil hindi lang isa, kun'di tatlong sold-out shows ang ihahataw nila sa Japan ngayong March 27 hanggang March 29!

Isang gabi lang dapat ang concert nila sa Japan, pero dahil sa tindi ng pagmamahal mula sa kanilang fans, naging triple-header ito. Ayon kay Sarkie Sarangay, laking gulat nila na ganito karami ang naghihintay sa kanila roon. Mula Saitama hanggang Shinjuku, asahan ang kanilang signature hugot na may kasamang violin at cello. Pagkatapos sa Japan, lilipad naman sila pa-Singapore para sa isa pang pasabog na show sa April 5.

advertisement

Hindi lang tour ang dapat abangan dahil may bagong kanta rin silang ilalabas! Sa February 27, i-re-release na ang single nilang “UNA.” Ito raw ay hango sa isang 2009 demo na ni-refresh para sa fans ngayon!

Matapos ang mahigit dalawang dekada nila sa industriya, ramdam pa rin ang init ng suporta sa banda. Sabi nga ni Sarkie, "Walang humpay na pasasalamat" sa luma at bagong fans na patuloy na nakikinig sa kanilang musika.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...