advertisement
Mas naging bongga ang opening performance dahil sinamahan ang Silent Sanctuary ng Manila Symphony Orchestra at Viva Voce! Binuksan nila ang gabi sa “Hay Naku,” ang 2009 lead single ng banda mula sa album na *Mistaken for Granted*, na sinundan ng walang kamatayang heartbreak anthem na “Rebound.” AYAN NA! Yung akala mong okay ka na, tapos biglang maririnig mo ang intro. TEKA LANG, BAKIT PARANG MAG-MO-MOVE ON KA NA NAMAN?!
Nakidagdag sa saya sina Steve Badiola ng Typecast at Jeff Bolivar ng Soapdish. Nandoon din si Ashley Gosiengfiao para kantahin ang “Meron Nang Iba” kahit may injury. SHOW MUST GO ON TALAGA!
Pero hindi lang kanta at iyakan ang ganap dahil may mga nag-propose pa habang kinakanta ang “Sa'yo” at “14”! HOOOY! RESPETO NAMAN SA MGA KA-SITUATIONSHIP LANG! HAHAHA! Binigyan pa ng certificates ang mga bagong engaged couples.
Ganap na ganap din ang throwback dahil maraming fans ang nagsuot ng old school uniforms at prom outfits. PARANG JS PROM LANG ULI!
Congratulations, Silent Sanctuary, sa 24 years!
Aminin, YesPren, may mga ex na nakakalimutan pero may mga kanta talagang hindi! CHAROT! HAHAHA!
Anong Silent Sanctuary song ang nagpapaalala sa'yo ng high school days mo? Yung tipong narinig mo lang, biglang may nag-flashback na pangalan sa utak mo? AYIEEEE!
Silent Sanctuary, nagpakilig at nagbalik ng high school memories sa kanilang 24th anniversary concert!
MGA TITA AT TITO NA MAY BAON PANG HUGOT NOONG HIGH SCHOOL, NASAN NA KAYO?! HAHAHA! Parang bumalik sa panahon ng teks, crush sa classroom, at pagpaparinig sa status ang ganap sa 24th anniversary concert ng Silent Sanctuary!
Matagumpay na nagtapos ang kanilang “Gabi ng Lambing: The 24th Anniversary Concert”. Originally scheduled talaga ang Reverse Day 1 noong October 25, pero dahil sa sobrang bilis maubos ng tickets at marami pang fans ang gustong manood, nagdagdag ang banda ng isa pang show noong October 24 na tinawag na Reverse Day 2. ABA, GRABE, ANG DAMING MAY PINAGDADAANAN!
