Copyright ©2026 Yes FM
“Sino ba ’yan?” Imelda Schweighart, kinuwestiyon ang K-POP idol na si Gehlee Dangca!
“Sino ba ’yan?” Imelda Schweighart, kinuwestiyon ang K-POP idol na si Gehlee Dangca!
November 10, 2026

Hindi raw niya nakikita si Gehlee sa mga billboard sa Korea?! BAKA NAMAN KASI TULOG SIYA SA BIYAHE NO'NG NAPADAAN SA BILLBOARD?! CHAR! Usap-usapan ngayon ang naging post ni Imelda Schweighart matapos niyang kuwestiyunin kung kilala nga ba sa South Korea ang Filipina K-pop idol na si Gehlee Dangca. Dinagdagan pa niya ito ng komento tungkol sa mga taong tinawag niyang “cockroach brains.” Ouch! ATAKE MALALA YERN?!

Pero teka lang, YesPren! Hindi naman basta-basta napunta sa K-pop industry si Gehlee! Nakilala siya matapos sumali sa Korean survival show na Universe Ticket noong 2023. Isa siya sa walong napiling miyembro ng girl group na UNIS, kasama ang isa pang Pinay na si Elisia Parmisano. Nag-debut ang grupo noong March 2024 at nagkaroon ng fans sa iba't ibang bansa! OH, DIBA?! May pangalan naman talaga 'yan siya! BAKA HINDI LANG UPDATED ANG KANYANG ALGORITHM? EME!

advertisement

Siyempre, hindi rin nagpahuli ang mga netizens sa pagbibigay ng kani-kanilang opinyon! May isang nagkomento ng, “Ikaw nga Imelda, hindi ko kilala eh, si Gehlee at Elisia kilala ko na K-pop na Pilipina.” May banat naman ang isa na, “Hindi pumaldo nung nag-beauty pageant, kaya nag-try ng ‘Bad publicity is still publicity.’” Samantalang ang isa naman, “Na para bang taga-Korea siya HAHAHAHA!” Basta fan, humanda ka talaga sa mga keyboard warrior kapag idol na nila ang inatake mo!

Sa dami ng pinagdaanan at pinaghirapan niya para makilala, ma-billboard man o hindi, sana sapat na dahilan na ang pagiging kapwa Pilipino para suportahan natin ang isa't isa! After all, achievement ng isang Pinoy, achievement din nating lahat! Hindi ba, YesPren? Kaya puwedeng ang sahod mo ay sahod nating lahat?! CHAR!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...