Sitti, balik-entablado sa kanyang concert, "Sittiscape: The City of Bossa" ngayong May
YesPren, kung na-mi-miss niyo ang tinaguriang Queen of Bossa Nova, ito na talaga! Comeback iz real! Magbabalik-entablado si Sitti para sa kanyang inaabangang solo concert na pinamagatang "Sittiscape: The City of Bossa."
Gaganapin ang musical event na ito sa May 17, 2026. Kilala si Sitti sa kanyang nakaka-relax na boses at classic hits tulad ng "Para Sa Akin," kaya siguradong punong-puno ng nostalgia at pag-relapse ang gabing ito. Hahaha! Layunin ng concert na dalhin ang mga manonood sa isang mundo na tipong malayo sa ingay at stress ng siyudad sa pamamagitan ng kanyang mga iconic na areglo at napaka-timeless na musika!
Para sa mga matagal nang fans o kahit sa mga Gen Z na gusto makarinig ng quality talaga na OPM, ito na ang perfect concert para sa'yo! Siguradong mapapa-indak at mapapa-samba kayo sa lambot ng boses ni Sitti. Mapapa-Samsara walk ka na lang talaga! HAHAHA!
Abangan ang ticket selling sa February 13, 2026! Uy, saktong-saktong pang-regalo sa Valentine's!