Copyright ©2026 Yes FM
Slater Young, tikom pa rin ang bibig sa issue ng baha sa Cebu
Slater Young, tikom pa rin ang bibig sa issue ng baha sa Cebu
November 13, 2025

Hindi pa man nakakaahon sa kalamidad ng baha mula sa Typhoon Tino, nalulunod pa rin sa tanong ang mga Cebuano kung ano ang naging dahilan ng sakuna na ito. Ang teorya nila, dahil ito sa Monterrazas de Cebu project ng engineer na si Slater Young.

advertisement

Sa kabila ng pangangalampag ng mga tao, tikom pa rin ang bibig ng social media personality sa issue. Tinadtad ng hate comments ang social media accounts ng celebrity engineer dahilan para i-limit at i-off niya ang comment section ng kaniyang posts.

Nag-trending pa nga sa X ang mga hashtag na #SilentCries at #Monterrazas dahil daw sa rami ng puno na pinutol para sa projects. Bukod sa deforestations, posible rin daw ang isyu gaya ng poor sewage systems at weak city planning.

Ngayon, nasa ilalim na ng imbestigasyon ng DENR ang project, pero wala pa rin ni isang salita ang naririnig mula kay Slater.

Matatandaang noong 2023, pinasinungalingan ni Slater ang mga issue na ito at sinabing maayos ang pagkakaplano sa Monterrazas.

Ang hiling ngayon ng ating mga YesPren ay ang mabilis na pagbangon ng mga apektadong lugar at sagot sa katanungan mula sa engineer.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...