Hindi lang tayong audience ang nalulutang sa rami ng mga negatibong balita ngayon sa bansa. Kasi pati ang mismong mga nagbabalita, parang lumilipad na rin ang isip! HAHAHA!
Bago matapos ang mainit na pagbabalita, nagpasabog ng good vibes sina Sofia Andes at Jeff Canoy sa 'TV Patrol Express.' Sa halip kasi na mabanggit ng aktres ang pangalan, ang nasabi niya ay, "Ako po si Jeff Canoy."
Laugh na laugh ang buong studio sa naging pagkakamali na ito ni Sofia. Hindi naman naging KJ ang anchor at gumanti sa pagpapakilala ng, "Ako po si Sofia Andres."
Agad nag-trending ang parteng ito ng programa. Kung kailan kasi patapos na, na-wow mali pa.
Nag-guest si Sofia sa programa para ibalita ang ShowBiz news at para na rin i-promote ang teleseryeng 'Tha Alibi' na pinagbibidahan nina Kim Chui at Paulo Avelino.

