Habang nag-ce-celebrate ang lahat sa pagkapanalo ng bansa sa Miss Grand International 2025 noong October 18, tila wala pa ring nagwawagi sa puksaang Chie Filomeno at Sofia Andres! Hahaha!
Pasabog ang post ni Chie sa kaniyang Instagram story matapos niyang i-upload ang isang message sa kaniya. Say ni sender, ilang influencers daw ang binayaran ni Sofia para siraan ang dating Girltrends sa social media. Grabe naman ang chismis na ito!

“Truly heartbreaking, I know she’s evil but didn’t expect her to go this low. I am not surprised anymore tho… I was gonna let karma do its job – nope I am your karma. You post and act differently online but say and do completely different things behind it,” sabi ni Chie.

Dagdag niya pa, sana ay hindi raw maranasan ng anak ni Sofia ang ginagawa nito sa kaniya. Kasama rin ng mga screenshot na ito ay mga resibo ng mga nag-me-message sa actress-dancer para i-reveal ang lihim daw ni Sofia. Buhay na buhay na naman ang dugo ng mga Marites! Hahaha!
Hindi namin sure kung nagkataon lang o ito ang rebut ni Sofia, pero sa isang Instagram story rin, sinabi niyang na-hack daw ang kaniyang TikTok at iba pang socmed accounts.

Sa sunod-sunod na post ni Chie, diin na diin ang pangalan ng dating kaibigan. Samantala, wala pang sagot si Sofia tungkol sa mga alegasyong ito.
Grabe ang bangayan ng dalawa, YesPren! May pinapanigan ba kayo?