Copyright ©2026 Yes FM
SOLID ang simula! Unang FiYESta ng Yes FM, dinagsa sa Pasig!
SOLID ang simula! Unang FiYESta ng Yes FM, dinagsa sa Pasig!
July 1, 2026

Hindi nagpahuli ang mga taga-Pasig sa pakikisaya nang bumisita ang FiYESta ng Yes FM sa Kaalinsabay Covered Court, Barangay Manggahan noong June 27!

Dagsa ang mga residente at mga Zumba Nation ng Pasig na excited maki-party sa libreng concert, kung saan walang tigil ang kantahan, sayawan, tawanan, at good vibes kasama ang inyong paboritong Yes FM DJs. Bukod sa solid na entertainment, game na game rin ang lahat sa masasayang palaro at raffle, kung saan maraming masuwerteng nakapag-uwi ng bigas at mga home appliances. May singing contest din na nagpabilib sa crowd, dahil todo birit at pakitang-gilas ang mga kasali. Mula umpisa hanggang dulo, tuloy-tuloy ang saya at solid ang energy ng buong venue.

advertisement

Mas lalo pang uminit ang gabi nang umakyat sa stage si Mitoy Yonting! Todo hiyawan at sabay-kanta ang crowd sa kanyang throwback hit medley na talagang tumatak sa puso ng lahat. Parang naging isang malaking karaoke party ang buong barangay!

Solid ending naman ang hatid ng Sunkissed Lola! Todo sing-along ang mga kabataan sa bawat hit song ng banda, kaya umapaw ang hiyawan, good vibes hanggang sa huling kanta.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naki-FiYESta sa Pasig! Hanggang sa susunod na SOLID na FiYESta, asahan n'yo ang mas matinding kantahan, mas matinding kasiyahan, at mas maraming SOLID na moments ang hatid ng inyong paboritong Yes FM!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...