Copyright ©2026 Yes FM
St. Scholastica’s College Manila, handa na para sa S.Y. 2026–2027
St. Scholastica’s College Manila, handa na para sa S.Y. 2026–2027
August 14, 2025

Yespren, mahigit isang daang taon nang katuwang ng mga pamilya ang St. Scholastica’s College Manila sa pagbibigay ng quality education. Sa bawat henerasyon ng Scholasticans, nananatiling buhay ang tradisyon ng academic excellence at Benedictine values. Ngayon, isang bagong chapter ang bubuksan ng St. Scho sa papalapit na School Year 2026–2027.

Simula kasi sa susunod na school year, tatanggap na ang St. Scholastica’s College ng male students sa lahat ng levels—mula Pre-School hanggang Junior High, Senior High, at College. Kasabay nito, ilulunsad din ang Junior Pre-Kinder program para sa mga three-year-old learner, para mas maaga nilang ma-develop ang foundation sa learning at character formation.

Magsisimula ang application period para sa S.Y. 2026–2027 sa October 2025. Mas pinadali na rin ang proseso dahil wala nang entrance exam! Kailangan lang ang ilang basic documents tulad ng birth certificate, report card para sa incoming college freshmen, at recommendation forms na puwede ring i-download sa ssc.edu.ph.

advertisement

Habang inaabangan ang pagbabago, nagpapatuloy naman ang kasalukuyang S.Y. 2025–2026. Nagsimula na ang College at Graduate School classes nitong August, at ngayong taon ay ipinakilala rin ang Bachelor of Science in Nursing program, na maghahanda sa future healthcare leaders ng bansa. Siyempre, nandiyan pa rin ang iba’t ibang scholarship at grants para sa mga deserving student—mula sa program scholarships hanggang sa suporta mula sa DOST at CHED.

Para sa mga magulang na naghahanap ng paaralang nagbibigay hindi lang ng academics kundi pati values at character formation, at sa mga estudyanteng gustong ihanda ang sarili para sa mas maliwanag na future, bukas ang pinto ng St. Scholastica’s College Manila para sa inyo!

Simulan mo na ang journey na ito, YesPren! Para sa iba pang detalye, bisitahin lang ang kanilang official website o pumunta sa Admissions Office: 2560 Leon Guinto St., Singalong, Malate, Manila.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...