advertisement
Mapupuno ng kantahan, tugtugan, sayawan, at budolan ang FiYESta 2026! Magsisimula ang exciting na event na 'to sa budol, siyempre! Hahaha! Mayroong Shopper's Bazaar at 3:00 PM! Makikita at mabibili niyo rito ang mga kailangan niyo sa buhay-buhay at mga estetik na kagamitan!
Susundan naman ito ng singing contest kung saan maglalaban-laban ang pinakamalulupit na lalamunan mula sa Brgy. Kaalinsabay, Pasig! Sino kaya ang magwawagi?!
Last, but definitely not the least, hindi p'wedeng hindi tayo mag-pa-party-party sa gabi! Magtatanghal ang napakalupit na bandang Sunkissed Lola at makikipagrakrakan din ang rock legend na si Mitoy Yonting!
Kaya kita-kits, mga YesPren, sa Kaalinsabay, Covered Court, Manggahan, Pasig City! SOLID na bonding, kasiyahan, at papremyo ang naghihintay sa inyo! PUMUNTA KAYO, HA?! See you, mga YesPren!
Sunkissed Lola, Mitoy Yonting at Yes! FM DJs, magsasama-sama para sa FiYESta ng Yes! FM Manila
HANDA NA BA KAYO SA PINAKABONGGANG FiYESta ng TAON?!
Hindi naman sa pagmamayabang, pero ito na talaga ang pinakabagong pista na hindi mo dapat ma-miss sa tanan ng buhay mo. SAVEH?!
