advertisement
Noon, napatawa pa si Bea sa naging hula dahil ibig sabihin, baka umabot pa siya ng 40 years old bago ikasal. Pero hindi lang doon nagtapos ang reading.
Ayon pa sa tarot reader, magiging maganda at matatag umano ang married life ni Bea. Inilarawan din nito ang mapapangasawa ng aktres bilang isang taong mature mag-isip at sincere pagdating sa pagmamahal. May nabanggit din na posibilidad na magkaroon siya ng tatlong anak, bagama't dalawang anak lang ang mas malinaw na nakita sa reading, isang lalaki at isang babae.
Fast forward to 2026, napa-double take ang mga netizen matapos lumabas ang balita na ikinasal na sina Bea at businessman na si Vincent Co sa isang pribadong civil wedding sa Makati City Hall.
Lalong naging usap-usapan ang lumang vlog dahil marami ang nagsabing tila swak na swak ang naging hula noon sa totoong nangyari ngayon. Coincidence lang ba, o may na-predict nga talaga?
Samantala, kinumpirma ng legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ang kasal ng aktres at nilinaw rin nito na hindi totoo ang mga naunang kumalat na ulat tungkol sa umano'y prenuptial agreement.
Ikaw, YesPren, naniniwala ka ba sa tarot reading, o sadyang coincidence lang ang mga ganitong pagkakataon?
Tarot reading ni Bea Alonzo noong 2021, nagkatotoo nga ba? Tila tumugma sa civil wedding nila ni Vincent Co!
Parang may resibo ang universe? Ito ang tanong ng maraming netizens matapos muling mag-viral ang 2021 vlog ni Bea Alonzo, kung saan nagpa-tarot reading siya kasama ang kaibigang si Kakai Bautista.
Sa vlog, diretsahang tinanong ni Bea kung makakapag-asawa pa ba siya. Ang sagot ng tarot card reader na si Niki Vizcarra, Oo raw, pero hindi agad church wedding. Ayon sa kanya, civil wedding muna ang mauuna at posible itong mangyari makalipas ang pitong buwan o pitong taon.
