The Calling, balik bansa para sa kanilang 'Before The World Turns To Dust' concert
Imposibleng hindi niyo sagutin ang tawag na ito, mga YesPren! Hahaha! Matapos ang halos isang dekada, tatapak nang muli ang multi-platinum American rock band na The Calling dito sa'tin! Dadalhin nila ang kanilang 'Before The World Turns To Dust' concert para yanigin kayo, mga YesPren!

Ang unang show ay mangyayari sa February 24 sa Metronent Convention Center sa Pasig City. Susundan ito ng kanilang Cebu at Davao show sa February 20 at February 21.
Kilala ang banda sa kanilang hit songs na 'Adrienne,' 'Could It Be Any Harder,' at s'yempre 'Wherever You Will Go.'
Kaya 'wag niyo nang pag-isipan pa nang matagal, mga YesPren! Magsisimulang magbenta ng mga ticket sa October 25 sa SM Tickets outlets at website.