advertisement
Sa panibagong episode ng HANGOVER, na-chika ni Jayr, ang bokalista ng banda, na nagkasama sila ni BINI Maloi sa isang awards night. ‘Di man sila nakapagusap ng gabing 'yon, gusto pa rin magpasalamat ng The Knobs sa BINI dahil isa sila sa mga rason kung bakit nag-viral ang banda.
“All of a sudden, ginamit ni BINI Maloi ‘yung kanta namin sa kaniyang birthday post. So, ayun. Kung mabibigyan ako ng chance, mag-tha-thank you po ako sa kaniya kasi dahil din sa kanila, parang maraming listeners na naka-discover sa amin. Nag-domino effect na,” sabi ni Jayr.
Over naman sa domino? HAHA! Char! Kung gusto niyong malaman ang iba pang kuwento ng The Knobs, panoorin niyo na ang full interview nila sa HANGOVER PH YouTube channel!
The Knobs, may gustong sabihin kay BINI Maloi?!
Sabi nga ng fans, “OPM Rise” daw ang tagline ng new era ng OPM ngayon. Maraming solo acts, bands, at P-Pop groups na sinusuportahan ang isa’t isa, kaya naman masasabi nating nasa panibagong “golden age” tayo ng Filipino Music! Isa sa mga example ng support ay ang kuwento ng The Knobs tungkol sa pagsuporta ni BINI Maloi sa kanta nila.
