Copyright ©2026 Yes FM
Tuesday Vargas, nanawagan ng trabaho sa mga kaibigan sa industriya
Tuesday Vargas, nanawagan ng trabaho sa mga kaibigan sa industriya
February 10, 2026

Sabi nga nila, mahirap ang maghanap ng trabaho, kaya hindi nakapagtataka kung paano nagawa ng artistang si Tuesday Vargas ang manawagan sa kaniyang mga kaibigan sa industriya para lang i-hire siya.

Sa isang Facebook post noong February 7, sinabi niyang sisiguraduhin niyang masipag siyang magtrabaho. Chika niya pa, "I'd like to believe that I am a good and versatile artist. Please, hire me po. [Promise,] paghuhusayan ko po. Salamat po.”

advertisement

“Wala pong role na maliit at wala [rin] pong role na mahirap. Kaya ko po ['yan,] subukan [niyo] po akong [i-hire] at gagawin ko ang aking best. Salamat po,” dagdag niya sa isa pang hiwalay na post.

Hindi naman nakatakas ang komedyante sa mga comment na nagsasabing laos na siya. Say rin ng iba, bakit daw hindi man lang nakaipon si Tuesday?

Bumuwelta naman siya at sinabing maayos naman niyang pino-promote ang kaniyang services at walang tinatapakang tao. "May ipon naman [ako,] pero nanay po ako at gusto kong may tuloy-tuloy akong [pangbuhay] sa pamilya ko dahil nga nawalan ako ng show. [Gano'n] sa [ShowBiz,] minsan mabilis ang turnover at walang warning.

Matatandaang bago ang mga post na ito, nanghingi ng dasal si Tuesday para sa anak niyang nagpapagamot sa malayo.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...