Copyright ©2026 Yes FM
Vice Ganda at Heart Evangelista, hindi nagpansinan sa concert ni Yeng Constantino?
Vice Ganda at Heart Evangelista, hindi nagpansinan sa concert ni Yeng Constantino?
September 1, 2026

Hindi lang kanta at kilig ang pinag-usapan sa “Biyaheng Bente” concert ni Yeng Constantino, may napansin din ang mga Marites sa tila pagdedmahan nina Vice Ganda at Heart Evangelista!

Ginawa ang 20th anniversary concert ni Yeng sa Smart Araneta Coliseum noong August 28 at 29, kung saan pumunta ang maraming kilalang pangalan sa showbiz. Kasama rito sina Heart at Vice na parehong nakuhanan ng video habang nasa concert.

advertisement

Pero imbes na focus lang sa performance, napunta ang atensyon ng netizens sa isang video kung saan makikitang magkalapit lang ang dalawa. Nakipagbeso at bumati si Vice sa ilang taong malapit sa kanya, pero nang mapunta sa side ni Heart, parang walang nangyari at hindi nagbatian ang dalawa.

Hindi na pinalampas ng netizens online. Kanya-kanyang zoom, replay, at analysis ang netizens:“Bakit nag-dedmahan ang dalawa?!"

Mas naging interesting pa ang eksena dahil naalala ng ilan ang naging issue noong 2025 tungkol sa isang school project sa Sorsogon. Nagkuwento noon si Vice tungkol sa pagtulong niya sa isang school project, pero nag-react ang PA ni Heart na si Resty Rosell at nilinaw na hindi lang naman si Vice ang tumulong dito.

Pero hanggang ngayon, walang nagsasabing may away o talagang nag-isnaban ang dalawa. Posible rin namang hindi lang talaga nagkita o nagka-chance na magbatian dahil sa dami ng tao.

From Biyaheng Bente to Biyang Dedma pala ang atake?! May alitan nga ba ang dalawa?!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...