Copyright ©2026 Yes FM
Vice Ganda, gustong ideklarang Persona Non Grata sa Davao City dahil sa isang joke?
Vice Ganda, gustong ideklarang Persona Non Grata sa Davao City dahil sa isang joke?
August 12, 2025

Isang unkabogable debate ang pinasimulan ni Vice Ganda, mga YesPren! Sa 'Superdivas: The Concert' kasi kasama si Regine Velasquez, may isang biro na hindi raw kayang palagpasin ng mga Diehard Duterte Supporter.

advertisement

Nangyari ito sa unang gabi ng concert noong August 8. Sa mga video na kumakalat ngayon online, mapapanood ang Asia's Songbird na kumakanta ng 'Hold my Hand,' habang ang It's Showtime host naman ay naglalakad kasama ang mga backup dancer na may dalang tarpaulin na may nakasulat na "Jetski Holiday AVAIL NOW!"

Huminto sa pagkanta si Regine at nagsimulang tumalak si Vice. Ginawan niya ng sariling atake ang trending audio sa TikTok na 'Jet2holiday.' Sa kaniyang version, ginamit niya ang kontrobersiyal na "jet ski promise" ng dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 patungkol sa West Philippine Sea.


Nabanggit din ni Vice ang 'The Hague' at 'ICC,' pati na rin ang estilo ng pagmumura ni Duterte. Pasaring niya, “Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC.” Dahil dito, naging sagad to the bones ang pagkairita ng mga DDS sa kaniya.

May isang X user ang umapela at sinabing, "As a Davaoeño, I am appealing to the City Government of Davao to declare Vice Ganda a persona non grata in Davao City." Sagot din ng isa, "The way you mocked PRRD at his lowest, I'm sure you won't mind if we cheer and mock you when your karma comes. Million of us will wait for it."

Hindi naman nagpahuli ang fans ni Vice sa pagtanggol sa kanya. Chika ng isang netizen, "Grabe! Sobrang tapang mo [talaga, Meme.] Consistent [‘yan] si Vice. Isa siguro ito sa [in-admire] ko sa kanya. Bilib kasi ako sa mga taong may paninindigan." May nagsabi ring, "As usual, galit na naman ang mga DDS sa comedy skit ni Vice Ganda. Pero [‘pag ‘yung] poon nila [‘yung] nagmumura, okay lang sa kanila. Mga hip*krito."

Sobrang aanghang na ng mga palitan sa social media dahil dito. Nabasa niyo na ba ang mga itom YesPren? Kuha muna kayo ng popcorn tapos makisali o makibasa na rin!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...