Copyright ©2026 Yes FM
Vice Ganda, pinaiyak si Alden Richards sa GGV! (Gandang Gabi Vice) 
Vice Ganda, pinaiyak si Alden Richards sa GGV! (Gandang Gabi Vice) 
September 15, 2026

Hindi kinaya ni Alden Richards ang usapang pag-ibig sa pilot episode ng pagbabalik ng “Gandang Gabi Vice” (GGV)!

Sa unang episode ng bagong season, naging seryoso ang chikahan nina Vice Ganda at Alden nang mapunta ang usapan sa kanyang love life. Matagal nang napapansin na tahimik at mailap ang Kapuso actor pagdating sa usapang relasyon, pero this time, mas naging open siya tungkol sa mga pinagdaanan niya.

advertisement

Napag-usapan ang mga naging “almost” relationship ni Alden at ang pressure na nararamdaman niya tungkol sa pagkakaroon ng partner at pagbuo ng sariling pamilya. Habang lumalalim ang usapan, unti-unting naging emotional ang aktor hanggang sa tuluyan na siyang napaiyak.

Ayon kay Vice, halos 10 minuto ang naging breakdown ni Alden! Sa sobrang awa niya sa aktor, muntik na raw niyang itigil ang interview dahil grabe ang iyak nito.

Pero kahit ganoon ka-emotional ang moment, pinili pa rin ni Alden na ipagpatuloy ang interview.

Isa sa naging realization ng aktor? Baka sa tagal niyang naghahanap ng pagmamahal mula sa ibang tao, sarili muna pala niya ang kailangan niyang mahalin.

Matapos ang episode, sinabi ni Alden na isa ang interview na iyon sa best interviews na naranasan niya sa halos 15 years niya sa showbiz.

Sa dami ng kilig na hinahanap natin sa love life ni Alden, baka ang pinaka-importanteng love story niya pala ay yung pagmamahal niya sa sarili.

Katulad ka ba ni Alden na self-love muna bago ang “The One”?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...