advertisement
“May pinuntahan akong lugar do’n sa probinsya nina Heart Evangelista, na isang paaralan na walang reading materials. Pinagawa ko ‘yung eskwelahan. I cried so much when I saw that school,” say ng Unkabogable Star. Nanawagan din siyang ayusin ang mga paaralan para makatulong sa mga estudyante.
Ang tanong ngayon ng netizens, isa bang shade ang pagbanggit ng komedyante sa pangalan ni Heart gayong siya ay asawa ng isang pulitiko? 'Di lang namin sure, mga YesPren! Hahaha!
Pero, hindi ang aktres ang tinamaan kung parinig man ito, kun'di ang kaniyang Personal Assistant. Sa kaniyang Instagram story, pinagtanggol ng P.A ang aktres at sinabing "for clout" lang ang pagbanggit ni Vice kay Heart. Tinag pa ng PA ang DepEd sa kaniyang post at sinabing nananawagan daw si Vice. Palaban si Mother! Hahaha!
Chika niya pa, hindi si Heart kung hindi ang DepEd secretary ang dapat niyang pinatatamaan tungkol sa issue na ito. Binasag niya pa ang sabi ni Vice na siya ang nagpagawa ng school dahil nag-ambag lang daw siya. Hahaha! May ambagan na naman? Shut up na kami riyan! Charot!
Marami pang resibo na inilabas ang PA, pero ang sabi ng netizens, wala naman daw sinabing masama si Meme. Nabanggit niya lang naman daw na probinsya 'yun ni Heart.
Aba, ewan namin! Basta ang alam namin, wala pa ring nakukulong hanggang ngayon! Hahaha!
Vice Ganda, sinagot ng P.A ni Heart Evangelista tungkol sa "bulok na school" issue
Sino ba namang matutunawan sa lahat ng issue na kinakaharap ng bansa natin ngayon? S'yempre, hindi ang mga taxpayer! Char not char!
Sa isang segment ng 'It's Showtime' na 'Laro, Laro, Pick,' muling nagbigay ng saloobin si Vice Ganda. This time, may kinalaman ito sa isang paaralan nang minsan siyang bumisita sa probinsya ni Heart Evangelista— ang Sorsogon.
