advertisement
Say ni Andrea sa talk show, "Pinaplano namin, pero nag-iisip pa kami ng gimmick, guys, 'cause we are not dancers. We acknowledge kasi that we are not very good dancers like them. We are actresses, models brought together." Alam na alam 'yan ng mga pinatangkad niyo, Viva Hot Babes! CHAROT! HAHAHA!
Sana raw ay mabigyan din sila ng ganitong pagkakataon. Kung kailan 'yon, sure kaming marami na rin ang nakaabang!
Viva Hot Babes, pinaplano na ring mag-reunion concert?
2026 ba ang taon para magsukatan ng edad gamit ang balakang? Hahaha! Pagkatapos kasi ng successful comeback ng grupong Sexbomb, binabalak na rin daw ng grupong Viva Hot Babes ang kanilang posibleng concert.
Nabuksan ang usaping ito nang mag-guest si Andrea del Rosario sa Tonight With Boy Abunda. Nai-open niya kay Tito Boy na "big fan" daw siya ng grupo. Chika niya pa, noong nakapila raw siya sa isang mall para bumili ng ticket para sa concert ng grupo, may mga nakakilala sa kaniyang fans ang nagtanong kung kailan naman daw ang kanilang pagbabalik.
