Copyright ©2026 Yes FM
VXON, aminadong tumitingin sa fan accounts para i-stalk ang sarili
VXON, aminadong tumitingin sa fan accounts para i-stalk ang sarili
August 30, 2025

“Nakikita kaya nila ‘yung mga post ko?” ‘Yan ang madalas na tanong ng fans tuwing nag-po-post sa social media tungkol sa mga idol nila. Siyempre, nakaka-conscious naman kung nakikita pala ng paborito mong artista ‘yung mga sinasabi mo tungkol sa kaniya, ‘di ba? Hahaha! At kung fan ka ng VXON, kabahan ka na! Sa panibagong episode ng HANGOVER, chinika ng VXON members na totoo ang chismis–sine-search nga nila ang sarili nila sa internet! Nakikita raw nila ang mga video, fancam, picture, at iba pang post ng VIXIES tungkol sa kanila.

advertisement

Sabi ni VXON Franz, “Mayro’n po kaming tinatawag na ‘Ego Surfing.’ Chine-check po namin kung slay ba [kami] today, kung okay ba ‘yung naging performance namin.” Agree rito si VXON Patrick, at paliwanag naman ni VXON C13, “Actually, maraming gumagawa ng gano’n kasi, siyempre, kailangan mo ng constructive criticism.”

Oh, alam niyo na, mga YesPren! ‘Wag post nang post ng kung ano-ano dahil nabubuking pala nila kayo! Kung bitin ka pa sa sagot nila, mapapanood mo ang full video sa Hangover PH Youtube channel.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...